ang pagtatagpo...
12:00 - ready to go out (break time).. diretso sa ladies room to retouch my make up..
dumating man siya o hindi ok lang.. last chance na nya to!
12:15 - saka pa lang ako nakababa ng building tagal ng elevator.. and punuan coz lunch time..
12:30 Nakapila na ko sa jolibee waiting for him.. tawag ang text siya.. naglalakad na siya nun sa julia vargas.. papunta ng emerald.. nung nakita ko siya na nakasilip sa door lam ko siya un.. nung nakalapit na siya sakin, iminustra ko na ung kamay ko,, nanghihingi ng pera and tinanung ko siya kung ano order nya.. nanginginig pa ung kamay nya habang nagbubukas ng coinpurse nya.. kasi minamadali ko siya kasi nga gang 1 lang lunch namin..
hanap na daw ako ng pwesto..
napangiti ako.. yeah.. im in front of jeffrey the guy who broke my heart.. that moment.. wala ko maramdaman.. wala lang..
so nagdecide na ko maghanap ng pwesto, tanung siya ano order ko, sabi ko 1 pc chicken lang.. so umakyat ako ang nakakita naman ako kagad ng pwesto, habang inaantay ko siya, wala ako maramdaman nun.. blanko.. pero ramdam ko na nanginginig ung kamay ko..
first thing he said " pacensia na..: SAN? "PASENSIA NA KAGABI.. (kasi dapat magkita kami ng monday kaso dumating mga kapatid nya) di natuloy..
inabot nya sakin ung pagkain ko at kumain kami.,. badtrip lang nagorder pa siya ng extra rice di naman ako ganun katakaw e..
so he asked me so many questions.. siya lang ung ngtatanung.. nakatungo lang ako habang kumakain and sumasagot sa mga tanung nya.. nagtanung siya san ako ngstay, kinamusta mga kapatid ko.. (ayoko na magtanung kasi ayoko mapahiya tapos di naman nya sasagutin.. and i dont want to sound bitter so hinayaan ko lang siya magtanung..)nagtanung kung san na bf ko..
i pretended na play girl ako.. na sabi ko boytoy ko lang ung mga un.. then i told him na may dumidikit na may asawa sakin sa office"sabi ko.. nangangabit na nga tatay ko, magiging kabit pa din ba ko? sayo lang ako naging kabit kasi di ko alam.." tapos sabi nya.. ang galing mo talga then i smiled pilit na ngiti..
namention nya ung paghahanap nya ng agency so binigyan ko siya ng tip.
then.. he ask me about sa make up ko lang na pagpunta ng cebu.. sinabi ko sa knya na sinabi ko un para magmukha sya tanga.. wala siya sinabi..
nagtanung tanung about sa work ko.. nu daw position ko.. sagot lang ako ng sagot.. tinanung din nya wat time ang out ko sabi ko 5, kung wala daw ba sumusundo sakin.. sabi ko wala.. kasi kaya ko naman umuwi magisa. tinanung nya kung san ako nasakay sabi ko sa mrt.
then may isang girl na nagapproach nakita ata na tapos na kami.. sila daw ung susunod so napilitan na kami umalis.. un
lakad lakad habang tinuturo ko sa knya pagsakay nya papuntang galleria..
tanung nya ko what time na daw ba.. 12:55 sabi nya "tara dessert tayo aga pa.. sabi ko ayoko na busog na ko.. pero mapilit punta kami ng 7.11 tumawid kami.. alalay pa siya sa pagtawid ko.. as if he cares.. hay.. bili daw ako ng kahit na ano para makabawi.. iabot daw ba sakin ang bote ng argentina.. dun nasuntok ko siya.. 2 beses ko siya nasuntok.. di ko tinignan mukha nya.. kasi di ko na lam kung kaya ko pa magpretend na ok lang ako.. kumuha na lang ako ng presto cream sabi kasi nya para daw sa hapon may makain ako..
pagkabayad diretso na ko sa prestige.. naglakad.. "last thing he said.. kita tayo ulit ha.."
never looked back at him dredretso na ko.. kasi nanghihina na ko.. and late na ko..
1:05 late na ko.. buti na lang dun si ms. joanne smiling at me.. nangangamusta.. nakita ni ms. joanne nanginginig ung kamay ko.. nagbiro na lang siya.. pati laman ko nanginginig nakita ko lang ex ko.. hay..
pero pagkaupong pagkaupo ko.. naghihina na ko.. kahit di naman ganun nakakapagod ung ginawa ko..
waaaah...
kahit di rin maalis sakin hoping ang wishing na sana nandun siya sa baba ng building nagaantay.. pero it wont happen.. it will never happen.. hay.. ngaung araw lang to..
bukas ok na ko.. promise..!!! tonight makakatulog na rin ako.. ngaun na matatapos lahat..tomorrow i need to be the same christine again.. got lots of things to do..
Comments